DENR Sec. Paje ipinasisibak

HINAMON ng isang Catholic priest si Pangulong Aquino na sibakin na sa puwesto si Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Ramon Paje kasunod nang pagkabigong maipatupad ng husto ang total log.

Naniniwala kasi si Fr. Pedro “Pete” Montallana ng Save Sierra Madre Network, na ang malamyang pagpapatupad ng gobyerno sa patakaran nito kontra sa pagtotroso ang dahilan kung bakit naging matindi ang pinsalang idinulot ng bagyong Pablo sa Compostela Valley kamakailan.

Ayon kay Montallana, ang nangyari sa Compostella Valley kung saan marami ang namatay dahil sa biglaang pagbaha ay katulad rin ng naganap sa Aurora nang humagupit ang bagyong Unding, Violeta, Winnie at Yoyong noong 2004.

Bukod sa pagsibak kay Paje, sinabi pa ng pari na dapat ring magpatupad ng sistematikong paglilinis ang pamahalaan sa buong kagawaran para mawalis na ang mga tiwaling opisyal sa DENR.

Tiniyak naman nito na nakahandag makipagtulungan sa gobyerno ang kanyang grupo para malinis ang DENR.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply