Desisyon sa ‘Modified Truck Ban’ sa MM ilalabas na

NAKATAKDANG ilabas ngayong araw ang desisyon ng Metro Manila Council (MMC) sa petisyon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para sa isang “Modified Truck Ban” sa Metro Manila.

Sa ilalim ng Modified Truck Ban, may anim na pinagpipiliang bersyon ang mga trucking company gaya ng 24-hour total truck ban mula
EDSA-Balintawak hanggang Magallanes.

Patuloy na umaalma ang mga trucking company sa isinusulong na Modified Truck Ban ng MMDA.

Nagbabala naman ang Confederation of Truckers Association of the Philippines (CTAP), apektado ang takbo ng ekonomiya at pagnenegosyo
kung ipipilit ito ng MMDA.

Muli pa rin anilang igigiit ang sarili nilang panukala na mananatili sa alas-6:00 hanggang alas-9:00 ng umaga at alas-4:00 hanggang alas-9:00 ng gabi ang truck ban.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply