DFA sa China: ‘Ipaliwanag ang tangkang inspeksyon ng mga barko sa West Phl Sea’

NANAWAGAN ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa China na ipaliwanag ang lumabas na mga report na balak na magsagawa ng inspeksyon sa mga barkong dumaraan sa West Philippine Sea.

Sa isang kalatas, sinabi ng DFA na kung totoo ang mga naglabasang ulat, nakakaalarma ang sitwasyon dahil paglabag ito sa Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DoC), international law, at sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

Ayon sa mga napaulat, simula sa Enero ng susunod na taon ay may karapatan na ang pulisya mula sa lalawigan ng Hainan na akyatin ang mga barko at iba pang sasakyang pandagat na pumapasok sa piang-aawayang mga isla para siyasating, ikulong at kumpiskahin.

Ikinatwiran ng China na ang pag-aari nila ang tinatawag na “9-dash line” na bahagi ng South China sea.

Sinabi naman ng DFA na banta sa international community ang hakbang ng China.

Iginiit pa ni DFA Assistant Secretary at Spokesman Raul Hernandez na lalabagin ng China hindi lamang ang “maritime domain of coastal states” na pinagtibay sa ilalim ng UNCLOS, at maging ang “freedom on navigation” ng mga lumalayag na barko sa South China sea.

Hinikayat din ng DFA ang mga bansang sakop sa ASEAN na kondenahin ang illegal na pag-aangkin ng China sa pinag-aawayang teritoryo.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply