‘Di kotong cop ang anak ko’

arlie-calalo41

TULUYANG ibinasura ng Caloocan Prosecutor’s Office ang kasong illegal possession of firearm at usurpation of authority na isinampa ng Northern Police District (NPD) laban sa isang miyembro nito makaraang mapatunayang walang sapat ito na basehan.

Bukod dito, mariing tinuligsa ng ina ni PO1 Herminio Frias III na si Gng. Nida Frias ang ilang miyembro ng District Special Operations Unit (DSOU) sa pamumuno ni Supt. Reydante Ariza dahil umano sa maling pagtrato nila sa kanyang anak na kanilang ‘kabaro’ nang kanilang hulihin, ikulong at akusahang isang “kotong cop.”

“Sobrang malaking kasiraan sa aking anak ang kanilang ginawa dahil sa mga naglabasan sa mga pahayagan at maging sa radyo at TV na pinalabas nilang isang ‘kotong cop’,” paghihinagpis ni Gng. Frias.

Matatandaang nagresponde noong Oktubre 18 sina PO2 Jimmy Duban, PO2 Michael Tagubilin at PO1 Froilan Sy makaraan umanong makatanggap nang report na may lasing at armadong pulis na nangongotong sa ilang nagtitinda sa Bonifacio Market sa Monumento. Sa kabila ng pagtanggi at pagpapakilala niya sa mga humuli sa kanya na lumabas ay kilala siya, kanilang ikinulong ito ng mahigit isang buwan sa DSOU at sinampahan ng kaso.

Subalit sa resolusyong pinalabas nina Head City Prosecutor Ferdinand Valbuena at Inquest Prosecutor na sina Elmer

Susano at Nida Gracino, lumabas na walang “probable cause” ang pagsasampa ng kasong kriminal laban kay POI Frias dahil napatunayan ng huli na siya ay nasa active service pa, taliwas sa posisyon ng DSOU na siya ay natanggal na sa roster dahil sa pag-AWOL (absence without official leave).

Inayunan ng piskalya ang posisyon ni PO1 Frias dahil lumabas na walang siyang natanggap na anomang pormal na komunikasyon o kautusan mula sa kanyang superiors na siya ay tinanggal na bilang isang pulis.

At saka, ayon pa sa kanyang ina, kung talagang ang kanyang anak ay nangongotong, bakit walang lumutang na complainant o kahit ang pulisya mismo ay ubrang magsampa kung talagang may basehan sila?

Ayon kay PO1 Frias, may suspetsa siya kung bakit siya ay napagbuntunan subalit mas kanyang minarapat na tumahimik na lang.

“Umaasa lang po ako sa tulong ni Director Leonardo Espina ng National Capital Region Police Office na sana ma-reinstate agad ako upang maibalik ko rin ang sinira nilang kredibilidad ko,” ani PO1 Frias.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply