Di makabayad sa kuryente, kelot nagbigti

DAHIL hindi mabayarang konsumo sa kuryente, nagpatiwakal sa pamamagitan ng pagbigti ang isang lalaki sa Naga City.

Patay na nang matagpuan ang biktima na kinilalang si Joaquin Avellano, 40 anyos, residente ng Zone 5, Barangay San Felipe sa Naga City matapos magbigti gamit ang electrical wire.

Batay sa report, natagpuan na lamang ang biktima ng kanyang pinsan na nakabitin sa pintuan malapit sa kanilang kwarto at wala nang buhay.

Si Avellano ay ilang araw nang tuliro dahil sa mabigat na problema at isa sa nasabi nito ay ang hinggil sa bayarin sa kuryente.

Sinasabing mag-isa na lamang ito sa kanilang bahay mula nang mamatay ang mga magulang at nagtatrabaho ang kapatid sa ibang bansa.

Sa ngayon, hinihintay na lamang ang resulta ng awtopsiya sa bangkay ng biktima para matiyak kung may foul play sa nasabing insidente.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply