‘Di na tayo natuto

_bong padua

IMBES na saya, lungkot ang naramdaman ng mga pamilya at kaanak ng mga nasawi at nasunugan noong Araw ng Pasko.

Nag-init na Christmas decors ang sinisising pinagmulan ng sunog sa Quezon City na kumitil sa buhay ng anim na miyembro ng pamilya at ka-nilang kasambahay.

Sa Caloocan city, tatlong paslit naman ang iniulat na natusta matapos masunog ang kanilang tahanan na ang pinagmulan umano ng sunog ay kandila.

Sa San Juan City, daang pamilya ang nawalan ng ta-hanan matapos ang kanilang lugar ay sumiklab ang apoy na kandila pa rin ang sinisising pinagmulan ng apoy.

Isang lalaki na natsismis lang na siyang nanunog ang binugbog at napatay ng mga galit na nasunugan.

Sa Divisoria, milyong halaga ng paninda at ari-arian ang natupok ng apoy mata-pos masunog ang isang gusali sa commercial place na ito ng Maynila.

Ang mga sunog na ito na kumitil pa ng buhay ang mga pangyayaring hindi inaa-sahan at nangyari pa sa pana-hon ng Pasko.

Pero kung may dapat sisihin, walang iba kundi ang patuloy na pagbabalewala sa mga babala ng mga fire expert, tulad ng BFP.

Ang nangyari sa Kyusi kung saan pito ang namatay ay naiwasan sana kung maa-yos ang  mga ginamit na Christ-mas decor.

Naniniwala kasi ang arson probers na peke ang Christmas decors kaya nang mag-init ay sumiklab at naging dahilan ng sunog.

Sa sunog sa Caloocan at San Juan, kapabayaan ng kung sinomang mga nilalang ang dahilan kaya nagkaroon ng sunog sa kanilang lugar.

Dahil  kung  kanilang  inisip lamang na ang kandila ay maaaring pagmulan ng su-nog, maaring kanila itong pinatay bago nila iwanan o bago sila matulog.

Sa Divisoria fire, sinisilip ng mga fire investigator ang kanilang hinalang ang pinag-mulan ng apoy ay faulty electrical wiring.

Para mamatayan ka at masunugan sa Araw pa ng Pas-ko, ‘di maiwasang magsisi pero may kasabihan na sa huli lagi ang pagsisisi.

Nakahihinayang ang buhay at mga pinundar na ari-arian.

Sana’y matuto na tayo.

Itanim natin sa ating mga isipan ang dapat gawin para maiwasan ang mapamuk-sang apoy.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply