Differential ng AFP/PNP iniipit at issues sa Pacquiao fight

burdado- jun briones

NAKIKIUSAP, nagmamakaawa, nagsusumamo at naninikluhod ang mga retiradong pulis at militar dahil ang kanilang inaasahan na pang-Noche-Buena ay kasalukuyan pang pinagkakakitaan ng mga kampon ni Satanas!

Ang tinutukoy natin ay ang kanilang “differential” na nagkakahalaga ng humigit kumulang sa P7,400 bawat isa ay hindi pa rin ibinibigay!

Ayon sa mga nagrereklamo, may info na ilang opisyal sa Crame ang nagsabwatan para manatili sa bangko ang pondo, para mapakinabangan muna ang tubo!

Sa puntong ito ay bibigyan natin ng pagkakataon ang ahensiyang responsable sa pagre-release nitong “differential” ng mga retiradong pulis at sundalo na kung maaari ay i-release na ang mga ito bago mag-Pasko.

Kung hindi, ating aalamin kung sino ang mga demonyong nasa likod nitong katarantaduhan na ito at babalatan natin, parekoy, nang buhay! Pramis!

At igagapos nang patiwarik ang mga animal! Hak, hak, hak!

-o0o-

BA’T kaya hindi tayo maka-pag move-on dito sa pagkatalo ng ating pambansang kamao?

Kesyo, ibinigay ang laban para may pera na naman sina Pacman at Bob Arum para sa susunod na laban.

Ang katwiran, eh, hindi naman daw malakas ang suntok na nagpabagsak kay Pacman!

Tangna, kita nang napangiwi na nga si Manny! Kayo kaya ang magpasuntok kay Marquez para malaman ninyo!

Baka umusli ‘yang mga tumbong ninyo sa impact ng “dinamita” ni Marquez! Hak, hak, hak!

Ayon naman kay Pacmom ang dahilan ng pagkatalo ng kanyang anak ay dahil nagpalit ito ng relihiyon o umalis sa pagiging Katoliko! Weeeh . . . !

Bakit, wala bang Katoliko na natatalo? Andami nga eh!

Kesyo, hindi na raw nagsusuot ng kanyang rosaryo.

Hmmm, tingin ko, parekoy, kahit mangromansa pa si Pacman ng Rosario, Magdalena o Alma, kung ganun naman talaga kalakas ang suntok na tumama ay tiyak na titihaya!

Bakit si Rosario lang ang sisisihin? Hahaha, kahit pa sabihing tsamba yun, pero sa madaling salita eh, talo talaga tayo. At patunay lamang na mas mapwersa ang tsamba kesa bwenas! Bwar, har, har!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply