Dimakiling kakatok sa top 10

PAKAY ni Pinoy International Master Oliver Dimakiling ang makasampa sa top 10 sa Rose Valley Open International Chess Tournament 2012 na ginaganap sa Kolkata, India.

Kasalo si No. 35 seed Dimakiling, (elo 2453) sa ninth to 14th places hawak ang 6.5 pts. matapos makatabla kay GM Adhiban B., (elo 2567) ng India sa 10th at penultimate round kahapon.

Kailangan maipanalo ng dating pambato ng De La Salle ang huling laro laban kay ranked No. 3 at super GM Sergei Tiviakov, (elo 2663) ng the Netherlands ngayong hapon.

Nagsosolo sa top spot si GM Sethuraman S.P. ng India tangan ang 7.5 points habang pitong woodpushers ang nagsisiksikan sa second to 8th places na may tig seven pts.

Nagwagi naman sina GM Mark Paragua at IM Rolando Nolte subalit mahirap nang makapasok sa top 10.

Parehong may tig-anim na puntos sina Paragua at Nolte kung saan ay nasa pang 24th at 26th place sila.

Makasasagupa nina Paragua at Nolte sina IM Sundar M. Shyam at GM Lalith Babu na parehong taga India ayon sa pagkakasunod.

Samantala, makakalaban ni Sethuraman si No. 2 seed GM Anton Korobov, (elo 2702) ng Ukraine.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply