Dimakiling, Nolte may tsansa pa sa Rose Valley Chess

KAILANGAN ng mga Pinoy chesser na ipanalo lahat ang huling tatlong laban upang magkaroon ng tsansa na iuwi ang titulo sa nagaganap na Rose Valley Open International Chess Tournament 2012 sa Kolkata, India.

Si IM Oliver Dimakiling ang mas malapit sa mga nangungunang woodpushers at ang kasunod ay si IM Rolando Nolte.

May nalikom na 5.0 points ang dating pambato ng De La Salle na si Dimakiling at si No. 36 seed Nolte, (elo 2453) ay may 4.5 pts. matapos ang round eight.

Pinisak ni Dimakiling si S.L Narayanan ng India habang nakipaghatian ng puntos si Nolte kay GM candidate Saptarshi Roy ng Indonesia.

Apat ng GMs at isang IM ang magkasalo sa top spot tangan ang 6.0 pts. habang pito ang may tangan ng 5.5 pts.

Sina GMs Marat Dzhumaev ng Uzbekistan, Viorel Iordachescu ng Moldova, S.P. Sethuraman, Deep Sengupta na parehong taga India at IM Gujrathi Santosh Vidit ang mga nag-aagawan sa unahan.

Samantala, nabigo naman si GM Mark Paragua kay IM G.A. Stany ng India.

Napako si Paragua sa four points.

Parehong Indian chesser ang makakaharap nina Dimakiling at Nolte.

Mapapasabak si Dimakiling kay GM Abhijit Kunte habang si Nolte ay makatatapat si Rahul Sangma.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply