Dingdong Dantes binuking na nag-blush kay Angel Locsin!

dingdong-dantes

BOW si Direk Ruel Bayani kay Dingdong Dantes sa ipinakita niyang pakikisama sa mga co-stars niya na mga taga- ABS-CBN sa movie nilang “One More Try” na official entry ng Star Cinema sa 2012 Metro Manila Film Festival ngayong December.

“Hindi niya ipinaramdam sa buong cast na nahirapan siyang mag-adjust working his co-stars and sa staff and crew ng Star Cinema. Kung nailang man siya, hindi niya pinahalata kaya sobrang bow kami kay Dingdong. What a pro? Hangang-hanga hanga kami sa kanya kasi ni hindi namin naramdaman na nahirapan siyang mag-adjust. Hindi siya ‘yung maraming isyu sa sarili,” papuri ni Direk Ruel kay Dingdong.

Pero binuking naman ni Direk Ruel kung paano nag-blush si Dingdong sa co-star niya sa One More Try na si Angel Locsin. Look test pa lang raw noong pinagtabi sina Dingdong at Angel, namula na ang boyfriend ni Marian Rivera.

“Kinausap ko siya (Dingdong), sabi ko, ‘Bakit?’ Sabi niya, ‘Direk, nagba-blush ako, eh.’ Bakeet? ‘Direk, ang tagal ko na kasi siyang gustong maka-partner, ngayon lang natupad. Muntik-muntikanan na kaming maging mag-partner, hindi natutuloy’. So, it was a long journey para magkasama sila and true enough, nu’ng umarte na sila, aba! may instant chemistry ‘yung dalawa,’ kwento ni Direk Ruel.

Wala naman daw ibang ibig sabihin ‘yun sabi ni Direk Ruel sa amin.

“Ibig kong sabihin, he was so excited kasi hindi nangyari ‘yun nu’ng nandu’n sila sa GMA-7. So, nung finally magkadikit sila, acting-out na magkadikit for a look test, talagang pulang-pula si Dingdong.”

Tinanong rin namin si Direk Ruel tungkol sa isa pa niyang artista sa movie kung na-explore ba niya ang kaseksihan ni Zanjoe Marudo.

“Hindi nyo kakayanin. Mag-e-expect ka talaga,” diin ni Direk Ruel.

Napapayag ni Direk Ruel na walang suot na damit si Zanjoe sa love scene nila ni Angel sa movie.

“Wala nga! Walang plaster! Pero hindi pwedeng ikwento ang eksena. Pero kasi ang passion mataas. Parang hindi naman isyu ‘yun and ‘yung tiwala ng mga artisa sa akin na hindi naman ako gumagawa ng soft-porn. Wala naman akong image na nange-exploit ako ng nga artista ko sa pelikula,” sabi pa niya.

Super nakakaantig kasi ang kwento ng One More Try na lalo pa’ng magpapaiyak habang pinapanood ninyo ang movie dahil sa napakagandang pagkakakanta ni Angeline Quinto ng theme song ng movie na Without You na unang inawit ni Joey Albert.

-ooOoo-

NAKAUSAP rin namin si Dingdong Dantes sa set ng One More Try at inamin naman niya ang ikinuwento sa amin ni Direk Ruel Bayani na pagba-blush niya.

“Eh first time lang naman kasi naming nagkaharap at nagkasama, so syempre, nahiya naman ako nun’g umpisa. Pa- ngit naman kung kumportable na agad ako, ‘di ba? Eh ganu’n, natural reaction na hindi ka comfortable. “So, kinakabahan ako tapos siyempre, dyahi rin dahil una pa lang kayong nagkaharap, ‘O, akbayan mo’, parang ano, ‘di ba,” lahad ni Dingdong.

Noon pa raw talaga niya gustong makatrabaho si Angel.

“Oo, hindi lang nagkaroon ng pagkataon na nagkasama kami sa GMA-7 pero at least, rito sa pelikula, nakasama ko siya.”

Baka mag-react naman ang fans nila ni Marian sa tambalan nila ni Angel sa movie, huh?

“Bakit naman? Ako na nagsasabi, walang masamang ibig sabihin ‘yun,” sabay ngiti ni Dingdong.

Puring-puri naman ni Dingdong si Angel bilang katrabaho sa One More Try.

“Kumbaga, I saw for myself kung ano talagang sinasabi nila, kung paano siya as a professional actress.”

Gagampanan ni Dingdong ang papel na asawa ni Angelica habang si Angel naman ang kanyang ex-girlfriend na papasok ulit sa kanyang buhay.

Pero ipinauna na ni Direk Ruel na sobrang layo nito sa rati niyang idiniriheng blockbuster movie na No Other Woman at wala talagang pagkakapareho.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply