Dinukot na abogado natagpuang bangkay

bangkay

ISANG malamig na bangkay na nang matagpuan sa Pangasinan ang abogadong dinukot sa Baguio.

Kinilala ng mga awtoridad ang biktima na si Atty. Roldan Imzon, residente ng South Sanitary Camp sa Baguio City, Benguet.

Natagpuan ang biktima na nakasubsob sa palayan, nakatali ang mga kamay, binalot ng masking tape ang mukha at may dalawang tama ng bala ng baril sa katawan.

Ayon sa PNP Pozorrubio, ang kapatid at isa pang kaanak nito ang nagtungo sa kanilang himpilan na silang kumilala sa bangkay na iniulat
na nawala noon pang December 1, matapos dukutin  ng tatlong hindi kilalang mga lalaki.

Hinihinalang pinatay ang biktima sa ibang lugar at itinapon lamang sa Pangasinan.

Sa ngayon, isinailalim na sa awtopsiya ang bangkay ng abogado at nakuha rito ang isang bala ng kalibre 45. na baril na ginamit sa pagpatay sa abogado.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply