Direk Celso Ad, iki-cremate sa Disyembre 5

ILALAGAK muna ng dalawang araw sa Loyola Memorial Park sa Disyembre 3 ang labi ng batikang film director na si Celso Ad Castillo bago ito susunugin sa Disyembre 5.

Bagama’t nangungulila, sinisikap naman ng naiwang mga mahal sa buhay ni Castillo na magpatuloy ang buhay kahit wala na ang kanilang haligi ng tahahan na ibabalik din sa kanyang hometown sa Siniloan, Laguna matapos ang cremation para doon ay ilibing.

Sinabi ng biyuda nitong si Ophelia na may mga anak sila na nangangailangan ng kanyang atensyon pero dahil wala na ang kanyang mister ay siya na ang babalikat para maitaguyod an kanilang pamilya.

Sa ngayon ay nakalagak pa rin ang mga labi ng direkto sa hometown nito sa Siniloan, Laguna simula nang sumakabilang buhay ito noong isang linggo sanhi ng atake sa puso.

Si Castillo ang nasa likod ng mga hit na pelikulang “Patayin sa Sindak si Barbara,” “Nympha,” “Asedillo,” “Ang Pinakamagandang Hayop sa Balat ng Lupa,” “Pagputi ng Uwak, Pag-itim ng Tagak,” “Paradise Inn” at “Burlesk Queen.”

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply