Diskuwento caravan ng DTI sa Dipolog, dinumog

DINUMOG ng mga mamimili ang inilunsad na diskwento caravan na tinawag na “Diskwento sa Pasko” ng Department of Trade and Industry (DTI) sa Dipolog City.

Nabatid sa ulat ng DTI, dumagsa kahapon ang maraming tao sa parking
area sa public market sa lungsod na pinagdausan ng diskuwento caravan.

Ikinatuwa naman ng mga consumers ang ginawang hakbang ng DTI na
nabibili nila ang mga pangunahing produkto sa mas mababang halaga
dahil ang presyo nito ay direkta mula sa mga distributors at
manufacturers.

Ilan sa mga ibinibentang produkto sa naturang araw ay ang pandesal,
mga gulay, kape, hotdog, corned beef, gift items at ilan pang mga
pangunahing bilihin.

Ang diskwento caravan ay isang proyekto ng Dipolog Consumers’ Watch
Group, Inc., at ng pamahalaang local ng lungsod ng Dipolog.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply