Divorce bill ‘di napag-uusapan – Carandang

divorce

HINDI napag-uusapan o wala sa radar ng pamahalaan ang pagpapasa sa Divorce bill sa bansa.

Ayon kay Presidential Communications Development and Strategic Planning Office (PCDSPO) Sec. Ricky Carandang, hindi kailanman napag-uusapan sa Cabinet meeting o sa anumang pulong ang Divorce bill.

Sa kabilang dako, nananatiling naka-monitor ang Malakanyang sa galaw ng Kongreso ukol naman sa Freedom of Information (FOI) bill.

“FOI has been passed, as you know by the Senate, and the process is ongoing in the House. We’re watching what’s happening in the House; we’re taking note of the arguments for and against,” aniya pa rin.

Posible naman aniyang lagdaan ang Sin Tax bill bago matapos ang taon.

“I think before the end of the week we might have a good chance of having another signing ceremony before the end of the week. Possibly, possibly,” wika ni Carandang.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply