Divorce bill panibagong dagok sa simbahan

divorce-bill

KUNG si House Speaker Feliciano Belmonte ay atat na matalakay ang Divorce bill, taliwas naman dito ang pananaw ng minorya sa pagsasabing dagdag dagok ito sa simbahan matapos ang pagpasa sa RH bill.

Nagbabala sina House Minority Leader Danilo Suarez at Asst. Minority Leader Martin Romualdez na sa pagtalakay ng Divorce bill na ayon kay Belmonte ay susunod na tatalakayin ng Kamara ay namumuo muli ang iringan sa Kongreso at simbahan.

Sinabi ni Suarez na hindi patas para sa mga kababaihan at maging sa mga anak na siyang unang maaapektuhan ng paghihiwalay ng mag-asawa na maipasa ang panukalang ito.

Aniya, ang Pilipinas ay hindi tulad ng ibang bansa na hanggang sa pagtanda ng mga miyembro ng pamilya ay magkakasama pa rin.

Kung talagang hindi magkasundo ang mag asawa ay mayroon namang annulment at marami na rin ang annulled dito sa Pilipinas.

Giit naman ni Romualdez na sisirain ng Divorce bill ang kasagraduhan ng kasal kapag ito ay naisabatas.

Hindi rin, aniya, makatarungan para sa simbahan na tutol sa RH bill at ngayon ay muling haharang sa pagtalakay ng Divorce bill.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply