DOH, EcoWaste nag-caravan vs paputok

dr-eric-tayag

NAGSAGAWA ng caravan ang Department of Health (DOH) sa pakikiisa ng EcoWaste Coalition upang paalalahanan ang publiko na huwag gumamit ng paputok sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Isinagawa ang caravan sa Maynila na pinangunahan ni Health Secretary Enrique Ona, kasama sina Manila Mayor Alfredo Lim at Miss Universe 1st runner-up Janine Tugonon.

Ayon naman kay DOH spokesperson Dr. Eric Tayag, hindi lamang mapaminsala ang mga paputok kundi nakakapagdulot din ito ng polusyon.

Kabilang sa mga ipinagbabawal na paputok ay ang mga sumusunod:
– Piccolo
– Watusi
– Big Bawang- Kwiton
– Goodbye PHL
– Bin Laden
– Coke-in-can
– Kabasi
– Five Star
– Pla-pla
– Og
– Giant Whistle Bomb
– Ampatuan
– Super Lolo
– Atomic Big Trianggulo
– Mother Rockets
– Lolo Thunder
– Pillbox
– Boga
– Big Judah’s Belt

Pinayuhan ni Tayag ang publiko na gumamit na lamang ng alternatibong pampaingay sa pagsalubong ng Bagong Taon gaya ng torotot.

Base sa pinakahuling tala ng DOH ay mayroon ng 77 biktima ng paputok nito lamang Disyembre 21 hanggang 26.

Sa nasabing bilang ay isa ang iniulat na tinamaan ng ligaw na bala.

Karamihan sa naitalang insidente ng fire related injuries ay mula sa National Capital Region (20), Western Viasayas (12) at Cagayan Valley (6).

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply