DOH: Huwag mamulot ng paputok

doh-eric-tayag-2

NANAWAGAN ngayon ang pamunuan ng Department of Health (DoH) sa publiko lalo na sa kabataan na huwag mamulot ng mga paputok na nabigong sumabog sa kalsada.

Ayon kay DOH Assistant Secretary Eric Tayag, maraming pagkakataon na ang mga pinupulot na paputok ay sumasabog pa.

Payo naman ng DOH, kung sakaling masabugan ay agad na hugasan ang parte ng katawan na naputukan gamit ang running water sa loob ng sampung minuto. Sunod ay balutin ito ng malinis na tela at saka isugod sa ospital.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply