DOH, nagbabala sa mga lugar na apektado ng red tide

redtide

NAGBABALA ang Department of Health (DoH) sa publiko na mag-ingat sa pagkain ng mga lamang dagat dahil sa red tide.

Ang babala ay inilabas ng DoH batay sa bagong shellfish bulletin ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), na positibo pa rin sa Paralytic Shellfish Poison o Red Tide Toxins ang mga karagatang sakop ng Dumanquillas Bay sa Zamboanga Del Sur, Murcielagos Bay sa Zamboanga Del Norte at Misamis Occidental at baybaying karagatan ng Bolinao at Anda sa Pangasinan.

Ayon sa Health Department, kabilang sa ipinagbabawal munang kainin at ibenta sa mga pamilihan ang mga lamang dagat na gaya ng tahong at talaba na makukuha sa mga nasabing lugar.

Maliban sa mga nabanggit, ang pusit, alimango at isda ay maaari namang kainin basta alisan lamang ng hasang at bituka at linising mabuti bago lutuin at kainin.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply