DOH nagbabala sa pagkain ng lechon

MAAARING maging sanhi ng atake sa puso ang labis na pagkain ng masarap at malutong na lechon. Ito ang mahigpit na babala ng Department of Health (DOH) sa publiko kasunod ng holiday season kung kailan kaliwa’t kanan ang mga handaan, na palaging specialty ang lechon.

Ayon sa DOH, kung nais kumain ng lechon ay dapat na alalahanin ang ilang mahalagang dietary reminders tulad nang pagkain ng kaunting karne.

Dapat rin umanong gumamit lamang ng maliit na plato at samahan ang kakainin ng maraming gulay, partikular ang mayaman sa carbohydrates at protina.

Dapat ring uminom ng maraming tubig dahil makatutulong ito upang malinis ang katawan ng tao, gayundin sa digestion o pagtunaw ng kinain.

“If one must eat lechon, he or she must bear in mind some important dietary reminders, which include eating less pork, using a small plate when eating, including vegetables in the diet, especially those rich in carbohydrates and protein and drinking lots of water,” paalala pa ng DOH sa website nito.

Pinayuhan naman ni Health Assistant Secretary Eric Tayag, director ng National Epidemiology Center (NEC) ng DOH, ang mga taong overweight na maging maingat sa pagkain upang makaiwas sa dagdag na timbang na maaaring magresulta sa pagkakaroon ng medical disorder tulad ng sakit sa puso at diabetes.

Pinaalalanan na rin ni Tayag ang publiko hinggil sa mga madaling masirang pagkain na maaaring magdulot ng sakit.

Sakali naman umanong makaramdam na ng hindi maganda dahil sa kinain tulad ng pagsakit ng tiyan, pagduduwal, pagsusuka, pagtatae o anumang gastrointestinal diseases ay kaagad nang magpasuri sa doctor upang mabigyan ng lunas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply