DOH sa mga magulang: Mga anak iiwas sa paputok

PINAYUHAN ni Department of Health – National Capital Region (DOH-NCR) Director Eduardo Janairo ang mga magulang na iiwas ang kanilang mga anak mula sa paputok upang mailayo sila sa anumang aksidente, particular ngayong nalalapit na ang pagsalubong sa Taong 2013.

Ayon kay Janairo, kalimitang mga paslit na wala pang 10 taong gulang ang nagtatamo ng matinding pinsala sa paputok kaya’t dapat silang gabayan at turuan ng mga magulang na umiwas dito.

Paliwanag niya, may pananagutan ang mga magulang sakaling mabiktima ng paputok ang kani-kanilang mga anak.
“Parents should be held accountable if their children become victims of fireworks injury. They must be the first to educate them about the dangers of playing around with fireworks and to warn them of its consequences,” giit ni Janairo. “Most victims of fireworks injuries are children below ten years of age. They suffer severe injuries including burns, loss of limbs and serious eye injuries. They must be taught to stay away and not to go near a firework that has been lit.”

Umapela rin si Janairo sa lahat na maging vigilante ngayong pagpasok ng taong 2013, partikular na ang mga magulang, barangay leaders at mga pulis upang tuluyan nang mabawasan ang mga nabibiktima ng firecracker, firework-related at stray bullet injuries.

Giit pa ni Janairo, walang paputok na ligtas, legal man ito o illegal, kaya’t dapat na mabigyan ng babala at sapat na kaalaman ang bawat miyembro ng pamilya hinggil dito.

Batay sa ulat ng DOH-National Epidemiology Center (NEC), ang Metro Manila ang nakapagtala ng pinakamaraming bilang ng paputok taun-taon.

Nakapagtala umano ang NCR ng 612 fireworks-related incidents noong 2011 mula Disyembre 21, 2011 hanggang Enero 5, 2012 at ang Quezon City ay may pinakamaraming bilang ng injuries na umabot sa 183 cases, sumunod ang Manila (164); Pasig (41); at ang Las Piñas (33) at Mandaluyong (33).

Hanggang nitong Disyembre 28 naman ay nakapagtala na ang NEC ng 73 fireworks-related injuries.

“No firework is safe. That is why we need to pay attention, educate members of the family, provide warnings and precautionary measures for them to avoid becoming victims of injuries this year,” dagdag pa ni Janairo.

“Let us all be responsible and be concerned with the safety of our children and our family. Most fireworks injuries happen at home and nearby surroundings. It is best to watch a community fireworks display or better yet to celebrate at home to avoid any injury,” pagtatapos pa ng health official.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply