DOJ, pasok sa imbestigasyon sa sex video scandal ng isang QC prosec

PUMASOK na ang Department of Justice (DOJ) sa sex video scandal na kinasasangkutan ng isang prosecutor sa Quezon City.

Ayon kay Prosecutor General Claro Arellano, pumasok sila sa imbestigasyon dahil nag-inhibit ang lahat ng piskal sa Hall of Justice ng Quezon City sa isinampang kaso ng asawa ng prosecutor dahil kasamahan nila ito.

Sinabi ni Arellano na nakausap na nila ang isa sa mga sangkot sa sex video at nabanggit nito na nangyari ang ‘di umanoy pakikipagtalik ng prosecutor sa hindi niya asawa nung wala pa ito sa pwesto.

Hindi inalis ni Arellano ang posibilidad na suspendihin ang prosecutor at ang posibilidad na makasuhan ng paglabag sa Anti-Violence Against Women and Children Act, Coercion at Slander maliban pa sa kasong administratibo.

Inamin ni Arellano na malaking dagok sa kanilang propesyon bilang mga abogado ang sex scandal na kinasasangkutan ng prosecutor subalit makakatiyak  ang lahat na walang mangyayaring whitewash sa imbestigasyon.

Samantala, naghain na ng kontra demanda ang prosecutor laban sa asawa nyang naglabas ng sex video na kinuha mula sa kanyang laptop.

Naghain ng kasong paglabag sa Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009 ang prosecutor laban sa kanyang asawa dahil sa pagkuha at paglalantad ng sex video ng wala syang pahintulot.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply