Donaire – 121.5 lbs; Arce – 122 lbs, kapwa pasok sa weigh in

KAPWA pasok sa weigh in sina WBO super bantamweight champion Nonito Donaire na at si Mexican warrior na si Jorge Arce.

Sa ulat mula sa Houston, Texas, sinabing tumimbang si Donaire ng 121.5 pounds, habang si Arce naman ay sarado sa 122 pounds, eksakto sa weight limit sa nasabing championship fight.

Una rito, nagpahayag ng kumpiyansa ang dalawang boksingero na kapwa mananalo bukas sa maikling laban lamang o hindi matatapos ang buong round.

Sinabi naman Arce, kung may pagkakataon ay susundan niya ang winning streak ng Mexican boxers partikular na ang one-punch knockout ni Juan Manuel Marquez kay Manny Pacquiao.

Sa panig ni Donaire, sinabi nito na bagama’t kaibigan niya si Arce, kaaway na ang tingin niya kapag nasa ibabaw na sila ng boxing ring.

Tinatayang humigit kumulang sa 200 boxing fans din ang bumuhos sa venue upang saksihan ang pagtimbang ng dalawang magkaribal na boksingero.

May mga Filipino rin na nagtungo sa Houston para suportahan naman si Donaire.

Maliban sa Donaire-Arce fight, maglalaban din sina Victor Terrazas (126.5) kontra kay Juan Ruiz (123.5); Daniel Sandoval,150.25 pounds vs Larry Smith 149.5 pounds; Jose Felix Jr. (133 lbs.) vs Meachor Major (132.75 lbs.); Tremaine Williams (123.5 lbs.) vs Rafael Casias (122.25 lbs.); Cedric Agnew (175.75 lbs.) vs Alfredo Contreras (175 lbs.); Alex Saucedo (146.6 lbs.) vs Eddie Cordova (147.5 lbs); Sukhrab Shidaev (150.5 lbs.) vs Jose Trevino (151 lbs.); Saul Rodriguez (128.5 lbs.) vs Pablo Brates (128.5 lbs.).

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply