Donaire dumating na sa bansa

NAKABALIK na kaninang umaga si 4-time world champion Nonito Donaire matapos ang matagumpay na title defense fight noong Linggo laban kay Mexican veteran Jorge Arce.

Eksakto alas-6:00 ngayong umaga nang lamabas ng arrival area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang world champ.

Sa bungad pa lang ng NAIA sinalubong si Danaire ng mga fans, media at maging empleyado ng airport para batiin ang Pinoy boxer sa tagumpay nito.

Hindi naman kasama ng tinaguriang “The Filipino Flash” ang misis nito na si Rachel.

Ayon kay Donaire, mismong ang mga doktor umano ng kaniyang kabiyak ang nagpayo na kailangan muna nito ng sapat na pahinga para sa holiday season.

Sa maikling pahayag, muling nagpasalamat si Donaire sa suporta sa kaniya ng mga kababayan.

Sa panayam ng mga mamamahayg sinabi ng boksingero na iniaalay nya sa mga kababayang nasalanta ng bagyo sa Eastern Visayas at Mindanao ang malaking panalo.

Malaking karangalan din umano ito na maiangat ang morale ng mga kababayan kasunod nang masaklap na pagkatalo noong nakaraang linggo ni 8-division world champion Manny Pacquiao kay Juan Manuel Marquez ng Mexico.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply