‘Donaire-Rigondeaux, hinihilot sa 2013’

HOUSTON – Target ni Top Rank Promoter Bob Arum na maselyuhan ang susunod na laban ni four-time world champion Nonito Donaire Jr., bago magtapos ang taon.

Sinabi ni Arum, na nakatakda niyang kausapin ang kampo ni Donaire at reigning World Boxing Association titleholder Guillermo Rigondeaux para sa nilulutong March 2013 mega-fight.

Bagama’t unang hinamon ng tinaguriang “The Filipino Flash” si reigning WBC champion Abner Mares, pero sinabi ni Arum na matatagalan pa bago maayos ang fight contract dahil nasa kabilang promotion outfit ang Mexican-American fighter.

Kasunod nang matagumpay na laban ni Doanaire nitong nakaraang Linggo kontra sa Mexican veteran na si Jorge Arce, una na ring inihayag ng Pinoy flash na nakahanda siyang kalabanin sa sinuman ang itatapat ng kanyang promoter.

Ang 32-anyos na si Rigondeaux ay may unbeaten record na 11 fights, na ang walo rito ay sa pamamagitan ng knockout.

“We’ll talk with both fighters (Donaire and Rigondeaux) in the new year,” ani Arum.

Target naman ni Donaire na magkaroon ng tatlo hanggang apat na laban para sa 2013 dahil sayang, aniya, ang panahon kung isa hanggang dalawa lamang ang kanyang magiging laban sa loob ng isang taon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply