‘Doomsday’ magsilbing wakeup call

mayan-prophecy

DAPAT magsilbing wakeup call sa lahat ang “12-21-12 doomsday predictions” para maging palaging handa sa pagsapit ng “araw ng paghuhukom”.

Ito ang reaksyon ni Msgr. Joselito Asis, secretary general ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa Mayan predictions na magwawakas na ang mundo bukas, Biyernes.

Kaugnay nito, sinabi pa ni Asis na sa halip na matakot sa dooms day ay dapat na magsilbi itong panawagan sa lahat na magsisi na sa mga nagawang kasalanan, bilang paghahanda sa pagsapit nito.

Nanindigan rin si Asis na tanging Diyos lamang ang nakakaalam kung kailan tunay na magwawakas ang mundo.

“Only God knows when the world will end. Nobody knows the exact time and day when it will happen. But these predictions should serve as a wakeup call for us to be always prepared for it,” ayon pa sa CBCP official.

Idinagdag pa nito na posibleng ang mundo ay magtapos sa isang tao sa pamamagitan nang pagkamatay nito.

“If you are meeting your Creator, why would you be afraid? If you are a righteous person, you would always be ready to face God,” aniya pa.

Pinayuhan rin naman ni Asis ang mga mananampalataya na mangumpisal at magsisi sa kanilang mga kasalanan hindi lamang bilang paghahanda sa Judgment Day, kundi maging sa ikalawang pagdating ni hesus.

“Advent should not always be the season we prepare for Christ’s coming. Everyday we are being called to repentance and conversion,” aniya pa. Macs Borja

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply