Driver ni Pangasinan Gov. Espino, ligtas sa pamamaril, asawa sugatan

pangasinan

NAGSASAGAWA na ng malawakang imbestigasyon ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) kaugnay sa naganap na pamamaril sa personal driver ni Pangasinan Governor Amado Espino.

Ayon kay Pangasinan Provincial Information Officer Butch Velasco, off duty na ang biktima na si Abilon de Guzman nang pagbabarilin sa barangay Katuray sa bayan ng Bayambang kahapon pero nakaligtas ito bagamat tinamaan ng bala sa mukha ang asawa nito na kasama niya nang mangyari ang krimen.

Nangako si Velasco na agad nilang ipaaalam sa publiko ang resulta ng imbestigasyon sa nangyaring krimen.

Matatandaang umingay ang pangalan ni governor Espino nang idawit siya sa jueteng operation sa lalawigan.

Sa kasalukuyan, tinitignan pa ng pulisya ang anggulong may kinalaman sa politika ang naganap na pamamaril sa driver ni Gov. Espino.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply