Driver putol ang binti sa banggaan ng 4 trak

pedikab

PUTOL ang binti  ng isang driver ng truck habang sugatan ang dalawang katao kabilang ang 9-anyos bata, matapos magkarambola ang apat na  truck kagabi sa Road 10, Vitas, Tondo, Maynila.

Sa nakuhang report  sa Manila Traffic Bureau (MTB), isinugod sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC)   ang  mga sugatan na sina Ernie Boy Go, naputulan ng kaliwang binti; Rocky Limpiado, 46; at Celso Baltimar, 9.

Ayon kay SPO1 German Zains, ng MTB, naganap ang insidente dakong alas-10:55 ng gabi sa panulukan ng R-10 at Sandigo St. Tondo, Maynila.

Lumalabas naman sa imbestigasyon ng pulisya na mistula umanong nagkakarera ang  minamanehong truck ni Go na may plakang USZ-400  at Isidro Babon habang binabagtas ang north bound ng R-10.

Nang makitang kumabig sa kaliwa ang  truck ni Babon (KDJ-960) sa truck na minamaneho ni Go, nawalan ito ng kontrol hanggang sa nahagip ang kasalubong na isa pang truck  na   may plakang TXU-351 at nadamay pa ang isang Fuzo truck ZMG-343.

Sinampahan  na ng kasong reckless imprudence resulting in multiple physical injury at damage to property sina Go at Babon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply