Drug buy-bust nauwi sa shoot out, 2 arestado

DALAWA ang nahuli na nauwi muna sa ilang minutong barilan matapos ang isinagawang operasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)  sa teritoryo ng mga Ampatuan sa Maguindanao kamakailan lamang.

Ayon kay PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr. bagamat nakatakas ang subject sa operasyon na kinilalang si Taya Zailon matapos ang buy-bust operation sa Sitio Panang, Barangay Salvo, Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao ay nadakip naman ang dalawang kasamahan nito.

Nauna rito, isang operasyon ang ikinasa noong  December 6, 2012, kung saan  isang  undercover agent ng PDEA Regional Office-Autonomous Region in Muslim Mindanao (PDEA RO-ARMM) sa pamumuno ni  Director Yogi Felimon Ruiz, ang siyang  nakipag transaction kay Zailon at sa kasama nitong si Mary Jane Kuka, 32 anyos, ukol sa bentahan ng droga.

Matapos umanong magka-abutan ay nakaramdam ni Zailon na isang trap ang operasyon kung kaya mabilis silang nakatakbo ni Kuka hanggang sa magkaroon ng habulan.
Bigla na lamang umanong pinutukan ng hindi kilalang gunmen ang mga humahabol na agents kung kaya nagkaputukan muna ng ilang minuto.

Dito umano nadakip ang kasama ni Zailon na si Kuka na nahulihan ng may 15 gramo ng shabu at isang kalibre .45 pistol na may isang magazine na may mga bala at ibat-ibang drug paraphernalia na ginagamit sa paghitit at repack ng shabu.

Kasama ring nadakip sa operasyon ang isang pang drug user na kinilalang si Cyrus Utto.

Ayon kay Cacdac ang lugar ng operasyon sa Datu Saudi Ampatuan, ay kilalang balwarte ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply