Drug crazed rapists, gumagala sa Cavite town

PINAG-IINGAT ngayon ng pulisya ang publiko sa grupo ng mga kalalakihan na ‘high on drugs’ na gumagala sa isang Cavite town para maghanap ng kanilang gagahasain.

Ikinasa ang babala matapos matagpuan ang bangkay ng isang batang babae sa isang fish pond sa Barangay Congbalay sa Kawit nitong Miyerkules ng umaga.

Isinailalim na sa awtopsiya ang bangkay ng hindi pa nakikilalang biktima na ang edad ay nasa pagitan ng 8 hanggang 12-anyos para malaman kung ito ay ginahasa.

Inumpisahan na rin ng Kawit police ang mas malalim na imbestigasyon sa pagkamatay ng biktima na ang bangkay ay natagpuang hubo’t hubad sa isang fish pond sa Fatima Road sa nasabing barangay.

May indikasyon naman na kakilala ng biktima ang mga humalay sa kanya dahil piniringan ang mata nito para hindi sila makilala.

Hinala rin na high on drugs na hinaluan pa ng paglaklak ng alak ang mga salarin nang ikasa ang panggagahasa dahil walang awang pinatay ang biktima matapos gahasain.

Nakapalupot pa ang lubid sa leeg ng biktima nang matagpuan ang bangkay nito na nakadapa sa nasabing fish pond.

Nakikipag-koordinasyon na ang awtoridad sa iba pang pulisya at opisyal ng barangay sa ilang parte ng Cavite para malaman kung mayroon silang naiulat na nawawalang dalagita.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply