Drug issue ni JMM, muling umusok sa KO win vs Pacquiao

LAS VEGAS — Kasunod ng kanyang one-punch knockout victory kay 8-division world champion Manny Pacquiao, muling nabuhay¬† ang hinala ng marami na posibleng gumamit ng performance-enhancing drugs si 4-division world champion Juan Manuel Marquez.

Una nang kinuwestyon ni coach Freddie Roach ang sobrang paglaki ng katawan ni Marquez gayong hindi naapektuhan ang kanyang timbang.

Naungkat din ngayon ng mga sports critics ang background ng conditioning coach ni Marquez na si Angel Hernandez.

Maalala na si Hernandez ay unang nasangkot na noon sa mga drug-related issue sa larangan ng palakasan.

Samantala, hindi pa rin umano makapaniwala hanggang ngayon ang kampo ni 4-division world champion Juan Manuel Marquez sa knockout victory nito kontra kay Pacquiao.

Sa isang pahayag, inamin ni trainer Ignacio Beristain na hindi nito sukat akalain na kayang patulugin ng kanyang alaga ang Filipino ring icon sa pamamagitan ng isang suntok.

Paliwanag ng Hall of Famer trainer, bagama’t sumalang sa dibdibang paghahanda si Marquez pero hindi ito isang typical na power puncher katulad ni Pacquiao.

Tinukoy pa ng opisyal na “phenomenon” ang pagkapanalo ng Mexican fighter.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply