DTI bukas sa reklamo sa mga produktong nabili ngayong Pasko

PWEDENG magsumbong ang mga mamimili na may reklamo sa kanilang nabiling produkto ngayong Kapaskuhan, ayon sa Department of Trade and Industry (DTI).

Sinab ni DTI Undersecretary Zenaida Maglaya, bukas ang kanilang tanggapan para sa reklamo ng mga consumer lalo na ngayong nalalapit ang kapaskuhan at kaliwat kanan ang nagaganap na Christmas shopping.

Sinabi ni Maglaya na maaaring iparating ang mga reklamo sa kanilang hotline na 751 -3330 o di kaya ay sa 0917-834-3330.

Sa kabila nito, ipinahayag ng DTI na stable pa rin hanggang sa ngayon ang presyo ng mga produktong pang-noche buena.

Ayon kay Maglaya, batay sa kanilang monitoring, pasok pa rin sa kanilang suggested retail price (SRP) ang presyo ng mga bilihing panghanda ngayong nalalapit na kapaskuhan.

Kasabay nito, tiniyak ni Maglaya na patuloy ang pag-iikot ng kanilang mga tauhan para mabantayan ang presyo ng mga produktong pang-noche buena.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply