DTI, nagpaalala sa deadline ng pagkakabit ng ICC sticker

MULING nagpapaalala ang Department of Trade and Industry (DTI) sa mga motorista na magpalagay na ng Import Commodity Clearance (ICC) stickers sa kanilang mga helmet na pumasa sa product standards.

Ipinaliwanag ni Zamboanga del Norte DTI Provincial Dir. Engr. Noel Bazan na dahil dineklara na special non-working holiday ang Disyembre 31, hanggang Disyembre 28 na lamang magsi-serbisyo ang kanilang tanggapan sa paglalagay ng ICC stickers.

Sa December 27, mayroong special mobile inspection ang DTI sa lungsod ng Dapitan na gagawin sa Dapitan City Hall.

Upang hindi magipit at hindi umabot sa rush hour pinayuhan ng DTI ang motorcycle riders na tumugon na sa panwagan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply