DTI sa motorcycle riders: Helmet, pamarkahan na

motor-riders

NANANAWAGAN ang Department of Trade and Industry (DTI) sa mga motorcycle rider na huwag nang hintasyin ang rush hour sa
pagpaparehistro ng kanilang mga helmet hanggang Disyembre 31.

Isinagawa ng Kagawaran ang panawagan makaraang mapansin na kakanti na ang nag-aabalang magpamarka ng kanilan mga helmet kahit na nalalapit na ang palugit. Inaasahan na hahaba na naman ang pila sa mga tanggapan ng DTI sa huling linggo ng Disyembre dahil sa ugali ng mga Pilipino na paghabol sa huling araw.

Nabatid na nagtapos na ang mga iniskedyul na pagpaparehistro ng helmet sa mga mall sa Metro Manila nitong nakaraang Disyembre 8 at maaari na lamang dumiretso ang mga rider sa mga tanggapan ng DTI.

Sinabi ni DTI 4A Regional Director Marilous Quinco-Toledo na nagpakalat sila ng mga tauhan sa ilang mga “off-site venue” para
magproseso ng mga helmet. Ito’y makaraang magtapos na ang inspeksyon at pagpapamarka sa mga regional at provincial offices nitong nakaraang Nobyembre.

Maaari pang humabol sa Calabarzon ang mga nais magparehistro ng kanilang mga helmet sa inilabas na petsa at lugar ng DTI: Dec. 07,
2012: Calamba City, Laguna: Ground Floor, Calamba City Hall; Dec. 12, 2012: Taytay, Rizal: SM Taytay; Dec. 13, 2012: Cavite City: Philippine Air Force Compound, Sangley Point; Dec. 13, 2012: Sta. Rosa City, Laguna: Santa Rosa City Hall Parking Area; Dec. 14, 2012: Cavite City: Kabalikat; Dec. 15, 2012: Imus, Cavite: A.R.M.A.S ; Dec. 18, 2012: San Pablo City, Laguna: 3rd Floor, San Pablo City Shopping Mall; at Dec. 19, 2012: Antipolo City, Rizal: SM Masinag.

Simula sa darating na Enero 2013, manghuhuli na ang Land Transportation Office at mga traffic enforcer ng mga motorcycle riders na may helmet na walang DTI stickers. Katumbas ito ng P1,500 na multa kapwa sa driver at maging sa angkas nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply