Dumayong kawatan timbog sa Pasay

tiklo

DAHIL sa takot na mabiktima ng summary execution sa lungsod ng Maynila, isang kilabot na kawatan ang nasakote nang dumayo sa lungsod ng Pasay para mambiktima..

Kinilala ni SPO1 Aniceto Artuz ng Police Community Precint (PCP)-3 ang suspek na si Dicky Malate, 43, binata residente ng Kahilom St. 2 Pandacan, Maynila.

Nabawi nina PO2 Aquino, Manatad at Bandal sa pag-iingat ng suspek ang pitaka ng biktima si Mary Grace Drapeza, 23 anyos na dalaga, assistant pharmacist at taga P. Burgos St. Sta Clara St. ng naturang lungsod

Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-6:30 kaninang umaga nang biktimahin ng suspek si Drapeza sa pinagtatrabahuhang pharmacy.

Sa pahayag ng suspek, dumayo siya sa Pasay dahil takot siyang mandukot sa Maynila at sa pangambang ma-salvage ng mga pulis na galit sa mga kriminal sa nasabing lungsod.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply