Dyipni driver, todas sa kaalitan

crime6

PATAY ang isang jeepney driver matapos itong pagsasaksakin ng kanyang nakasagutan dahil sa kanyang pagbubusina kahapon sa Binondo, Maynila.

Namatay habang ginagamot sa Justice Jose Abad Santos General Hospital (JJSGH) ang biktimang si Cesar Tabon , 52, jeepney driver at nakatira sa Baseco Compound, Ermita, Manila.

Naaresto naman ng mga tauhan ng Manila Police District-Station 11 ang suspek na si Dionisio Cabanday, 50, residente ng Dasmarinas St, Binondo, Maynila.

Sa report ng PS 11 pasado alas 8:00 kagabi ng maaresto ang suspek matapos nitong mapatay sa saksak ang biktima ganap na alas 5:30 ng kahapon.

Nabatid na naganap ang insidente sa Muelle de Binondo kanto ng Dasmarinas St., sa nasabing lugar.

Sa pagsisiyasat ni SPO1 Mario Asilo, ng Manila Police District-homicide section, nagmamaneho umano ang biktima ng kanyang pampasaherong jeep na may rutang Divisoria –Sta.Cruz, plakang DEN-124 at nauuna naman ang suspek na minamaneho naman ang kanyang pedicab.

Binusinahan umano ng biktima ang suspek na ikinagalit nito hanggang mauwi sa palitan ng maanghang na salita.

Nang mapikon ang suspek ay binunot nito ang dalang panaksak at tatlong beses nitong inundayan ang biktima sa katawan.

Maagap naman nakapagresponde ang mga awtoridad at barangay tanod kaya naaresto ang suspek.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply