E. Samar inuga ng 5.5 magnitude na lindol

NILINDOL ng may magnitude 5.5  ang Eastern Samar bandang alas-8:43 kaninang umaga.

Base sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), tectonic ang pinagmulan ng lindol na naitala sa layong 138 kilometers (km) hilagang-silangan ng bayan ng Guiuan.

Ito ay may lalim na 20km habang naitala ang intensity V sa Mercedes, Eastern Samar, intensity IV sa Tacloban City, Borongan City at General MacArthur, Eastern Samar.

Naramdaman din ang Intensity III sa Catbalogan City, Jaro, Eastern Samar; Dulag at Tolosa, Leyte.

Intensity II naman sa Capoocan at Dagami, Leyte.

Walang naiulat na pinsala o nasugatan sa naturang lindol ngunit ayon sa Phivolcs inaasahang makararanas ng mga aftershocks.

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply