Early Education Bill isabatas na – Rep. Angara

angara photo

HINIMOK ni Aurora Rep. Edgardo “Sonny” Angara ang liderato ng Senado at Kamara na upuan na ang Early Year Act (EYA) sa bicameral conference committee para maisabatas na ito sa lalong madaling panahon.

Inaprubahan kamakailan ng mababang kapulungan sa ikatlo at huling pagbasa ang EYA na isa si Rep. Angara sa mga may-akda habang naaprubahan naman ang bersiyon ng Senado noong nakaraang Hunyo.

“Alam naman namin, ng mga kasamahan ko sa Congress at Senate, na kailangan na talagang isaayos ang sistema ng early childhood care and development system, at maging accessible ito para sa lahat ng batang Pinoy, lalo na para sa higit na nangangailangan,” ani Angara.

Kinikilala ng EYA na unang mahalagang yugto ng edukasyonal na pag-unlad ang mga unang taon na edad zero (0) hanggang walo (8).

Ang edad zero (0) hanggang apat (4) ay nasa ilalim ng pananagutan ng Early Childhood Care and Development (ECCD) Council habang tungkulin naman ng Department of Education ang edad lima (5) hanggang walo (8).

Titiyakin sa ilalim ng panukala ang early childhood education na isang pambansang tungkulin sa pamamagitan ng mga programang nakabase sa center at bahay.

Isusulong din ang pangkalahatang pag-unlad ng mga paslit, pataasin ang survival rates at health indicators, at ihanda sila para sa pormal na edukasyon.

“Sa EYA, gusto nating magkaroon ng mga pantay na oportunidad ang mga bata sa pamamagitan ng maagang pagtuturo sa kanila.

Kailangang asikasuhin natin ang mga batang may special needs or disabilities, saka pati na ang pagsusulong ng cultural and linguistic diversity,” paliwanag ni Angara.

“Ang pinakapuso ng aking isinusulong na panukalang batas ay bigyan ng suporta ang mga magulang sa kanilang tungkulin bilang unang caregivers at teachers ng kanilang mga anak. ‘Di ba, ang pagmamahalan at pagkatuto ay  nagsisimula naman talaga sa ating tahanan,” aniya.

Umaasa si Angara, ang chairman ng House committee on higher and technical Education, na ihahain sa plenaryo ng Senado at Kamara ang pinal na bersiyon ng panukala bago magsimula ang kampanya para sa 2013 mid-term elections.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply