Ekonomiya ng Pinas lalago sa mga susunod na taon

INAASAHANG lalago ang ekonomiya sa bansa bunsod ng patuloy na paglago ng negosyo at turismo sa Pilipinas.

Bukod dito, lalagpas ng anim na porsiyento ang economic growth ng bansa bunsod ng pag-angat ng Gross Domestic Product (GDP) ng 6.5 porsiyento sa tatlong quarters ng taon at 7.1 porsiyentong pagtaas sa ikatlong quarter.

Ayon kay Economic Planning Secretary Arsenio Balisacan, nakikita nila ang pag-unlad ng industriya dahil naniniwala silang patuloy na aangat ang ekonomiya ng Pilipinas sa pitong porsiyento para sa taong 2013 at hanggang 7.5 porsiyento naman para sa taong 2014.

Dagdag pa ni Balisacan, dahil sa mga major infrastractures project at pagsasagawa ng ilan pang reporma ay patuloy na uusad ang ekonomiya ng bansa sa mga susunod na taon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply