El Presidente ‘di magpapakabog

blind-item

HINDI talaga magpapakabog ang “El Presidente” nina Laguna Governor ER Ejercito, Ms. Nora Aunor, Cesar Montano, and Christopher De Leon sa ibang entries saq filmfest dahil bukod sa mabigat na ang casting ay isang historical movie pa ito

Sigurado kami na kung hindi man mag-number one ang El Presidente, tiyak na magna-number one naman ito sa paghakot ng awards lalo na’t ngayon palang ay excited na si Nora Aunor na mapanalunan niya ang best supporting actress category sa nasambit na awards night.

Kunsabagay, magaganda naman ang lahat ng mga entries sa Metro Manila Film Festival na magsisimula ang parada sa Quirino Grandstand mula 2pm hanggang 7pm going to MOA ngayong December 23. Kaya sa mga fans, abangan n’yo ito.

***

GRABE! Nalululong raw ngayon sa casino ang kontrobersyal at talent manager ng isang all female singing group at mga baklush. Nagsimula ang pagpunta-punta sa sugalan nitong si talent manager nang makaray-karay siya ng kaibigan niyang isang milyonarya na taga-San Andres, Malate.

Bukod sa pagha-handle ng mga artista, nagtitinda rin ng mga mamahaling bag gaya ng Hermes at Louis Vuitton at mga alahas ang subject natin na kontrobersyal na talent manager kaya siguro umaapaw na ang katadatungan nito at naenganyo siyang maglaro sa casino. Tuloy, napabayaan na niya ang career ng mga alagang artista, lalo na ang bagong tuklas niyang all-female group na hanggang ngayon ay hindi pa rin matuluy tuloy ang album launch ng mga hitad.

Hindi kaya alam ng nasabing talent manager na posibleng magising na lang siyang isa ng purdoy? Balita kasi namin, sobrang malaki raw kung magpatalo sa casino ang talent manager na ito na gabi-gabi raw kung magpunta sa casino dahil naghahabol yata ng kanyang natalo.

Sana, maisip niyang huwag tapatan ang kaibigang milyonarya na taga San Andres, Malate dahil sa sobrang rami talaga ng pera nito.

Ano sa palagay mo, Vic Mampusti?

SA ngayon, may ilang mga kaibigan ni talent manager ang nag-a-advice sa kanyang itigil na ang kanyang pagka-casino pero dedma pa rin ito at patuloy pa rin siya sa kanyang nakagawian ng pagsusugal.

Kilala mo ba siya, Timy Basil at kapatid na Roldan Castro? Well, abangan! Sana’y huwag namang tuluyang maghirap ang talent manager na ito at mapunta sa wala ang kanyang pinaghirapan.

Rati na kasi siyang mahirap kaya sana’y ‘wag na niyang balikan ito.

‘Yun lang!

***

SOBRANG kaabang-abang talaga ang pelikulang Boy Onse na ipalalabas ngayong December 19 at handog ng Royal Babahandi films at producer nitong si Boy Pilapil. Grabe raw talaga ang mga sexy scenes rito kung saan nagbuyangyang ng kanilang mga puday sina Lili Montelibano at Sophia Lee. Siyempre, hindi rin nagpakabog ang mga sexy actors na sina Marvin Yap, Miko Madrid at Ralph Louie na nagpasilip rin ng kanilang mga nota.

Sobrang kinabog raw ang pelikulang Patol na nagtodo-hubad rin ang mga alagang boldstar ni Papa Boy sa bagong pelikula niya ngayong Boy Onse na nakati-turn-on talaga ang bawat eksena.

Sabi sa ‘min ng mabait na Indie Produ, wala naman raw naging problema sa MTRCB, lalo na kay Direk Maning Borlasa dahil sa hindi naman raw mukhang bastusin kahit na sobrang bold ang pelikula nitong Boy Onse.

Kaya ngayon palang, siguradong durumugin na naman ito ng mga kapatid nating baklushi. Showing na ngayong December 19, 2012 ang nasabing pelikula.

Teka lang, okay na kaya si Papa Boy at alaga niyang si Norris John na nagpapa-release na ng Kontrata sa kanyang movie company? Balita kasi namin mas maraming mga baguhang alagang artista ngayon si Papa Boy simula ng magdeklara ng kanilang giyera ang mga parent ni Norris John sa Mabait na talent manager (Boy Pilapil). Higit na mga gwapo, bata at sariwa raw ang mga bagong tuklas ngayon ng Royal Bahandi films ni Boy Pilapil.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply