Electric coop worker bumagsak mula sa poste, patay

bangkay

AGAD na namatay sa Reyes Clinic and Hospital ang isang empleyado ng Ilocos Sur Electric Cooperative (ISECO) nang matangay sa bumagsak na poste sa Burgos, Ilocos Sur.

Batay sa imbestigasyon ng PNP Burgos, nagkukumpuni ang mga empleyado ng ISECO sa Meycauayan, Burgos para palitan ang lumang poste ng kuryente sa naturang lugar.

Nasa itaas ng poste ang biktimang si Paulino Toribio, 33, may-asawa nang ikinakabit ang mga wire nang lumipat ito sa lumang poste at sa hindi inaasahang pangyayari ay bumagsak ang poste na naging dahilan ng pagbagsak na padapa ng biktima.

Agad namang naisugod sa nasabing hospital ang biktima pero patay na ito nang idating sa pagamutan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply