Electrician itinumba sa Quezon City

PATAY ang isang  electrician matapos  pagbabarilin  ng hindi pa  nakikilalang  salarin  sa  Quezon City kagabi.

Namatay noon din sa pinangyarihan  ng  insidente si Allan John Estival, 33, ng Rawhouse Pilot Area, Brgy. Commonwealth, QC dahil  sa dalawang tama ng bala ng baril  sa kanyang ulo.

Ayon kay SPO1  Hilario Ibato ng Quezon City Police District  station 6, naganap ang insidente dakong  alas-10:00  kagabi sa  Brgy. Commonwealth, QC  nang magpaalam ang biktima sa kanyang mga kainuman na uuwi na.

Subalit ilang minuto lamang ang nakalilipas nang biglang umalingawngaw  ang magkasunod na putok ng baril hanggang  sa makita na lamang ang biktima na duguan nakabulagta.

Habang naglalakad  ang  biktima  pauwi sa kanilang bahay  binaril  ito  ng di-kilalang salarin  sa  likurang  bahagi ng ulo kanyang agad na ikinamatay.

Tumakas ang suspek  matapos  ang pamamaril  .

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply