Elephantiasis kumakalat sa Region 6

SINISIYASAT ngayon ng Department of Health  (DOH) ang naiulat na panibagong kaso ng sakit na elephantiasis sa ilang lugar sa Negros Occidental at Guimaras.

Sa tala ng DOH Region 6, apat na ang hinihinalang kaso ng naturang sakit sa nabanggit na mga lugar.

Gayunman, sinabi naman ng Regional Director ng DOH, na ibeberipika pa ang nasabing ulat na pagkakaroon ng sakit na elephantiasis at kailangan ding inspeksyunin ang lugar para makumpirma ang naturang sakit.

Ayon pa sa DOH, ang sakit na elephantiasis o tinatawag na filariasis ay endemic na rin sa ilang bahagi ng Panay.

Ito ay nakukuha umano sa kagat ng lamok sa gabi.

Kilala ang lamok na ito na Aedespoecilus na namamahay naman sa water lilies at sagingan.

Ang filariasis o elephantiasis ay sakit kung saan lumalaki at namamaga ang binti ng isang biktima.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply