Empowerment budget of 2013, binira ng mga maralita

BINIRA ng grupong Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) ang P2.006 trilyong national budget para sa taong 2013 na nilagdaan ni Pangulong Benigno Aquino kahapon.

Ayon sa grupo, puro kasinungalingan ang naging mensahe ni Aquino sa paglagda nito sa national budget kahapon, kabilang na ang pagtawag dito bilang Empowerment Budget.

“Sa 2013 national budget, malinaw na hindi prayoridad ang ang serbisyong panlipunan para sa mga maralita, taliwas sa sinasabi ni Aquino,” ani Gloria Arellano, Kadamay national chairperson.

Hindi umano mga maralita, kundi mga dayuhang bangko ang tunay makikinabang sa Empowerment Budget of 2013. Sa nilagdaang P2-T pondo ng gubyerno sa taong 2013, pinakamalaki umano ang nakalaang P782 bilyon para sa pagbabayad sa mga utang panlabas ng bansa.

Ayon pa sa Kadamay, mas malaki pa umano ang inalaang pondo na pambayad utang panlabas kaysa sa pinagsamang pondo para sa mga serbisyong panlipunan na higit na kinakailangan ng mamamayan.

Ang nakalaang P698 bilyon para sa social services ay wala pa umano sa kalahati ng kinakailangang pondo ng mga maralita para sa edukasyon, kalusugan at pabahay na aabot sa P1.4 trilyon ayon sa international standards. Sa kabila umano ito ng planong pribatisasyon ng maraming pampublikong ospital at eskwelahan sa bansa sa ilalim ng progamang Public-Private Partnership (PPP) ng administrasyong Aquino.

Binira rin ng Kadamay ang napakalaking P44.2 bilyon para sa CCT na umano’y sa halip magbigay kapangyarihan sa mga maralita ay nagtuturo lamang sakanilang umasa sa limos mula sa gubyerno.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply