End of the world ngayon at Mayor Bernabe swak sa U2

burdado- jun briones

NATATANDAAN pa ba ninyo ang grupong H-World na itinatag ng kapatid ni Robin na si Royette Padilla?

Ang kanilang mga kasapi, parekoy, ay kasalukuyang nasa tuktok ng isang bundok sa Surigao sa Mindanao para umiwas sa magaganap sa mundo ayon sa kanilang hula o prophecy.

Na ang daigdig ay matatapos na sa araw na ito!

Kung sakaling totoo nga na matatapos na ang mundo sa araw na ito (Disyembre 21, 2012) na ayon sa kanila ay pinatutunayan sa pagtatapos ng Mayan calendar, ay isa lang ang ibig sabihin nito.

Pagsikat ng araw bukas ay sila na lang (nasa 500 ang kanilang bilang) ang matitirang may buhay sa mundong ito!

Sila na ang ookupa sa Malakanyang at maging sa “Whitehouse!” Hak, hak, hak!

Ito naman ang titiyakin ko sa inyo, parekoy . . . mali sila!

Ang sinoman sa inyo na magigising bukas (Dec. 22) ay tiyak na magsasabing . . . Tumpak si Burdado!

Bakit ko nasabi, parekoy, na hindi matatapos sa araw na ito ang ating daigdig?

Aba eh, mismong ang Panginoong Hesus ang nagsabi sa Bibliya na walang makaaalam kahit sino sa araw na tatapusin na ng Diyos ang mundo!

Kung sakali namang tsambang nalaman ito ng H-World, heto  naman  ang  hakbang ni Lord. “The end of the world will be postponed . . . until further notice!” He, he, he!

-o0o-

ILANG kaibigang pulis sa Parañaque ang palihim na nagpadala sa atin ng mensahe.

“Burdado, ang totoo tungkol diyan sa sinasabi mong “human trafficking” ng mga menor de edad dyan sa “U2-club” na nasa Macapagal Blvd. ay gusto nang ipa-raid ni hepe. pero ayaw ni Mayor Bernabe!

Hindi naman sa itinuturing kong “gospel truth” itong sumbong sa atin, ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit hindi nga binibigyang aksyon ni Mayor Bernabe itong sumbong na toknakan sa U2 health club.

Tinatawagan natin ang mga taga-Parañaque, papa-yag ba kayo na itong ulat sa prostitusyon o human traffic-king ng mga menor de edad ay ok lang sa inyong lugar?

Paki-check n’yo lang po ang inyong mga menor de edad na anak na babae kung nasa bahay na ba bago kayo matulog!

Baka nasa U2 club na!

Kudos to Mayor Bernabe!

REAKSYON/SUMBONG
09152121303/09098992775
jabriones10@yahoo.com

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply