Endangered species nasabat sa Pasay

sugar-glider

NAHAHARAP ng ngayon sa paglabag sa endangered species act og 1973 ang isang aninal vendor makaraang nasakote sa pagbebenta ng ipinagbabal hayop kagabi (December 1) sa Pasay City.

Kinilala ni Police Officer 3 Aniceto Artuz ang suspek na si Jason
Penas, 24, caretaker sa Wild Life Pet shop, na nasa Cartimar market,
Pasay City.

Nagpapatrulya dakong 6:30 ng gabi sina PO3 Artuz, PO1Ralph Miranda at
PO1 Jovit Jovenson Mapile ng Police Community (PCP)-3 sa kapaligiran
ng Cartimar Market upang bantayan ang lugar sa posibleng panghoholdap
ng criminal element.

Namataan ng mga pulis ang suspek sa isang stall at iniaalok ang ‘Sugar
Glider’, at isang malaking ‘Python snake’ na mahigpit na
ipinagbabawal ng Department of Natural Resources (DENR) ang pagbebenta ng endagered species.

Inusisa ni PO3 Artuz ang suspek kung mayroon itong permit mula sa DENR hinggil sa pagbebenta ng naturang hayop, walang maipakita, agad ito dinala sa himpilan ng pulisya at sinampahan ng kaukulang kaso.

Ang Cartimar ay kilalang lugar sa lungsod na sentro umano ng bilihan
ng mga mamahaling bisekleta, pet shop at maging bilihan ng iba’t
ibang uri ng mga exotic food at endangered species na palihim na
ibinebenta.

Dadalhin ang mga nsakumpiskang endangered species sa Parks and Wild Life ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Quezon City.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply