Epal posters namumutiktik muli sa QC

SA kabila ng negatibong opinyon na ibinabato sa kanila ng publiko, yumawagayway na naman ngayong Kapaskuhan ang tinaguriang ‘epal posters’ na ang litrato at pangalan ng ilan sa mga opisyal ng gobyerno ay bumabandera.

Sa Quezon City, karamihan sa mga posters ay nakabuyangyang  sa mga poste ng kuryente, barangay arches, at kahit sa mga electric wires.

Karamihan sa mga poster ay may imahe ng opisyal ng local na pamahalaan at ang kanilang posisyon pero wala namang nakalagay kundi ang “Happy Holidays.”

Ilan pa ay may mga maliliit na imahe ni Mayor Herbert Bautista at Vice Mayor Joy Belmonte at ilan pang opisyal ng lunsod ng Quezon.

Ang “Epal” ay isang termino na tumutukoy sa isang pulitiko na nagnanakaw ng kredito para sa kanilang kapakanan o yaong mga pulitiko na nagpapansin  palagi sa publiko.

Sa pamamaraan ito, natatatak sa kaisipan ng mga botante ang mga pangalan ng politiko na tatakbo sa nalalapit na Mayo 2013 elections at dahil dito ay malamang na sila ang matandaan at iboto ng taumbayan.

Ang Quezon City ay tinaguriang na isa sa lunsod na namumutiktik ang mga “epal” signs at posters sa kabnila ng kautusan ni Mayor Bautista na ipaalis ang mga istraktura na nakasabit sa iba’t ibang panig ng lunsod.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply