Epekto ng pills, pulitika sa Cebu at namamaskong pulis

benny antiporda

BIGYAN naman po natin ng pagkakataon na mailabas ng ating mga mambabasa ang kanilang mga kaisipan, paninindigan, reklamo at marami pang iba.

Heto po sila.

MAGULONG DAAN SA CALOOCAN

Gud am po. Sana po patuloy ninyong bulabugin ang mga opisyal ng Bgy. 131, Barrio San Jose, Kalookan City, partikular sa Kalye Agudo. Mula Palawan, trucking hanggang sa may simbahan ng San Jose Parish. Laging one way ang takbuhan dito dahil sa mga pampasaherong jeep na pag-aari ng nagngangalang Ritchie at Chairman Boy Saudi.

Nagiging daan ng kaguluhan ang mga sasakyan na ‘to. Mahiya naman sana kayo sa kalugar n’yo dahil sa pang aabuso n’yo. Salamat po at more power sa inyong kolum. Concerned citizen. 0928253….

PURO POLITIKA

Kitang-kita na pulitika ang dahilan ng suspensyon ni Gov. Garcia ng Cebu at ang complaint laban kay Gov. Espino ng Pangasinan. Kung tutuusin, ilang taon o dekada na ang lumipas, bakit ngayon lang inilalabas ang mga Complaint at Order?

Ito ang dapat tingnan ng hustisya at ng gobyerno. ”This is unfair and unjust”, “’di makatarungan” ang ganitong sistema. Gaya ng suspension, dapat paimbestigahan nila muna at kung may katotohanan, ‘di riyan sila umaksyon. At kung tutuusin, para sa demokratikong pamamaraan, dapat walang is-suance ng suspension order sa period of election. EHP ng Cordillera. 0920823….

MASAMANG EPEKTO NG PILLS

Ang daming namamatay at nagiging abnormal na bata bilang resulta ng paggamit ng contraceptive pills at ngayon naging batas ang RH bill, sigurado ako, at put this into record, maaabuso na ang paggamit ng contraceptive pill.

Ang daming magiging biktima dahil sa pang-aabuso sa pagbenta nito. Darami na ang magbebenta at sigurado ang pagdami ng mga peke dahil ‘di kayang kontrolin ng gobyerno. Kailanman ‘di kaya ng gobyerno na kontrolin ang krimen sa bansa at lumobo pa ito. At ito ang kagustuhan ng gobyerno. May ebidensiya na lumolobo ang krimen sa bansa. 0920823….

PUNA SA ANTI-RH

Kayong mga taga-simbahan, knockout na kayo sa RH bill. Mag-focus na lang kayo sa pagdarasal, mga pa-kialamero. ‘Di naman kayo pi-nakikialaman ng gobyerno. Mga KSP at burges kayo. 0948591

MADAYANG GAS STATION

Good am po. Please lang po, paki-check lang po ang gasoline station po rito sa Quezon Avenue sa tapat po ng Biak na Bato, malapit po sa Sto. Domingo Church. Kasi po napakadaya nila. Thank you po at kahit alam ninyo at mapatunayan ninyo lalo na ngayong Pasko na ay sina-samantala nila, lalo na ang mga tricycle rito.

Sa column ninyo kami lumapit kasi wala kaming ma-lapitan dito. At sana po matulungan ninyo kami lalo’t malapit na ang Pasko at ‘yun ang aginaldo namin sa inyo rito sa tatalon. Grabe talaga ang Shell Station na ito. Kami rito ay Suki ng Remate 0947628….

‘DI PABOR KAY GEN. PURISIMA

Hindi ako pabor at walang tiwala kay new PNP CHIEF Allan Purisima. Wala akong nakitang ginawa ni Purisima na ibaba ang krimen sa NCR nang siya ang pinuno kundi lumobo pa at on the record ‘yan. Pinataas ni Purisima ang krimen sa NCR. Wala siyang nagawa, ibig sabihin, hindi niya kaya ang naitalagang tungkulin niya. Ang daming kapalpakan ang nangyayari sa ating bansa. Sumasabay pa ang delubyo sa ating Bansa. Muslim-Christian Indigeneous ng Pilipinas. 0920823….

SEX LANTARAN NA SA RH BILL

Sabi ng mga Pro-RH bill, hindi raw sinasabi na ikontrol ang pag-aanak. Pero ibig sabihin nila na sige lantaran na ang pagse-sex basta gu-mamit ka ng mga contraceptive pill at condom. Ito ang sinabi ni Sec. Cabral sa kan-yang Punto Interbyu.

Sa puntong ito, pangungunahan ng gobyernong Aquino ang pag-promote ng lantaran na pagse-sex sa bansang Pilipinas. Basta gumamit lang kayo ng condom at contraceptive pills. Pag nagkaganito, magiging sex capital na ang Pilipinas.

Ang daming priority na problema ng mga Filipino, bakit ‘yang walang kabuluhan na RH bill ang kanilang gi-nawang priority? Lumalala na ang walang trabaho sa Pilipinas, dumarami na ang nagugutom sa bansa sa kawalang trabaho at kabuhayan, sobra na ang taas presyo ng mga bilhin pero wala namang dagdag-sahod at pinakamaliit at pinakamababa ang pasahod sa Pilipinas. Talagang ibang daan ang tinatahak ng mga Pinoy. EHP. 0920823….

PULIS NAMAMASKO SA BULACAN

Gandang gabi po, sir. ‘Yung mga pulis po rito sa Compac 5, San Jose del Monte, Bulacan ay nagpakalat po ng sobre sa palengke ng Sampol market. Humihingi po ng donation para sa Christmas party nila sa December 28. ‘Yung Rey Salvador po ang nagkakalat ng sobre, may pirma po ni PO3 Freddie F. Ferrer. ‘Di po ba bawal ito? 0922208….

KOTONG JUDGE SA CAVITE

Good day po! Pakibatukan n’yo naman po itong dalawang bugok na judge sa isang bayan sa Cavite. Ang isa po ay si Judge G. Aba’y akalain n’yo po, kung humirit ng under the table ay milyon po, at kabilaan pa ang kinokotongan niya. E papano po ang matatalo? Sir, kawawa, talo na, lagas pa ang milyones niya? May takot ba siya sa karma? Aba, nagmamadaling yumaman ito, sir. Thanks po. Don’t publish my number.

KOTONG SA EDSA NG MMDA

Dito po sa edsa Pasay, grabe po ang mga taga-Metro Manila Development Authority. Gabi-gabi na lang kaming mga biyahero ang kinokotongan. 0905293….

oOo

Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa 09214303333.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply