Epekto ng Sin Tax Bill sa kalugusan, ‘di maramdaman – Kadamay

SA pagpapasa ng implementing regulations para sa Sin Tax Bill, nagpahayag ng pangamba ang isang militanteng grupo na malabong maramdaman kaagad ng mamamayan ang sinasabing positibong hatid ng Sin Tax Bill sa kalusugan ng maraming maralitang Pilipino.

Ayon sa Kalipunan ng Damayang Mahihirap o Kadamay, walang silbi ang implementasyon ng Sin Tax Bill kasabay ng plano ng administrasyong Aquino na malawakang pribatisasyon ng mga pampublikong ospital sa iba’t ibang dako ng Pilipinas.

Sa darating na taon, tinataya ng Kadamay na lolobo pa ang bilang ng mga maralitang maysakit na mamamatay sa kawalan ng kapasidad na magpagamot sa mga ospital mula 6 sa 10 maralitang pasyente ngayong taon dahil sa pagsirit ng halaga ng pagkakasakit.

Ayon pa sa grupo, ang 140% paglaki ng pondo para sa pampublikong kalusugan sa susunod na taon na umano’y dahil sa koleksyon ng Sin Tax ay malayung-malayo pa rin sa pondong inirerekomenda ng World Health
Organization na 5% ng Gross Domestic Product ng bansa.

Hindi bababa sa 26 na pampublikong ospital ay planong gawing korporasyon ng guyerno sa susunod na taon sa ilalim na Public-Private Partnership.

Liban sa magsisitaasan ang halaga ng mga serbisyong medikal sa mga nabanggit na ospital, plano na ring iphase-out ng gubyerno ang mga charity wards na takbuhan ng mga maralitang pasyente.

Nagpahayag ang Kadamay na hahadlangan sa susunod na taon ng mga protesta ang planong korporatisayson ng mga pampublikong ospital sa iba’t ibang rehiyon sa bansa.

Ang Modernization of Philippine Orthopedic Center sa Quezon City na nagkakahalagang P5.6 bilyon ay isa sa mga pangunahing PPP project ng gubyernong Aquino at inaasahang matapos ang bidding sa pagpasa sa mga
negosyante ng nasabing ospital sa buwan ng Marso sa susunod na taon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply