Epekto ni ‘Pablo’ sa NCR, mararamdaman sa Huwebes

bagyong-Pablo-dec-4

MARARAMDMAN sa Metro Manila ang epekto ng typhoon Pablo (international codename “Bopha”) sa Huwebes, ayon sa ulat ng weather bureau official kaninang tanghali (Disyembre 4).

Sinabi ni PAGASA administrator Nathaniel Servando na ang pagulan mula sa typhoon Pablo ay mararanasan sa  Metro Manila habang ito ay patungong West Philippine Sea.

“Kapag ito ay malapit na o nasa vicinity ng northern part ng Palawan, ang outer circulation nito ay magbibigay ng pag-ulan – mahina hanggang katamtaman na ulan Huwebes ng umaga,” pahayag ni Servando.

Kumpara aniya sa Metro Manila, ang probinsya sa Visayas at Mindanao ay makararanas nang mas malakas na pagulan at hangin habang ang mata ng typhoon Pablo ay ionaasahang mananalasa sa southern portion ng bansa.

Sa alas 11 a.m. weather bulletin, sinabi ng PAGASA na ang typhoon Pablo ay bahgayang humina matapos tumama sa kalupaan.

Mula sa dating lakas ng hangin na 175 kilometers bawat oras, dala ngayon ng typhoon Pablo ang maximum sustained winds na 160 kph malapit sa sentro at pagbugso na aabot sa 195 kph.
Dakong alas  10 a.m., nang huling namataan ang Pablo sa layong 50 kilometro silangan ng Malaybalay, Bukidnon.

Bumagal ang pagkilo ng bagyo. Mula sa bilis na 26 kph, kumikilos ito ng pa-kanluran-hilaga-kanluran sa bilis na 20 kph. Sa bilis nito at sa direksyon, ang typhoon Pablo ay  inaasahang nasa 140 kms silangan-kanlurangan bahagi ng Iloilo City sa Miyerkules ng umaga.

Nabawasan din ang diameter nito at ngayon ay 500 kilometro na lamang ang lawak nito.Ang estimated rainfall na lang nito ay mula 10 hanggang 20 millimeters per hour (heavy – intense) sa loob ng diametro ng bagyo.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply