Erlinda Basilio bagong ambassador sa China

erlinda-basilio

NASUNGKIT ni Foreign Affairs Undersecretary for Policy Erlinda Basilio ang posisyon bilang ambassador ng Pilipinas sa China.

Sa isang panayam matapos ang oathtaking ng League of Municipalities of the Philippines (LMP) sa Manila Hotel, kinumpirma ni Pangulong Benigno Aquino III na si Basilio ang papalit kay Sonia Brady, 71, na na-stroke sa Beijing noong nakaraang Agosto.

Sa ulat, isinumite ni Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario kay Pangulong Aquino ang shortlist ng kanyang recommendees na lahat ay pawang career officers na isang malaking hamon para sa foreign relations.

Si Basilio, 68, ang itinuturing na senior sa mga inirekomenda ni Del Rosario.

“The President has always been comfortable with the soft-spoken Basilio and believes her calm demeanor would be an asset in dealing with China, especially at this time when the conflicting claims over the West Philippine Sea and, more recently, Panatag shoal have strained relations between the two countries,” ayon sa ulat.

Si Basilio ay nagtapos sa University of the Philippines (Bachelor of Arts and Masters in Political Science). Nakasama si Basilio sa foreign service noong 1970.

Nagsilbi siya bilang ambassador to Sweden at permanent representative sa Philippine Mission to the United Nations sa Geneva.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply